Main » 2011 October 13 » Hand of Hope
3:31 PM Hand of Hope | |
Sobrang special ng pregnancy para sa mga babae. Puro sila reklamo ng kung ano-anong bagay pag buntis sila pero yung pagsusuka, pagkabuntad ng tiyan, at lahat ng paghihirap nila ang dahilan kung baket nagiging mas special ang experience para sa kanila. Kaya naman pag labas natin sa tiyan nila, sobrang saya nila, sobrang alaga nila dahil pinaghirapan nila tayong dalahin ng halos 9 months. Kaya isipin mo kung gano kalungkot ang isang nanay pag nalaman nyang may health risk sa baby na dinadala nya. Tulad ni Julie Armas; na-diagnose yung baby na pinagbubuntis nya ng spina bifida (i-google mo kung gusto mong malaman kung ano yon.) 21 weeks pa lang yung baby kaya hindi sya pwedeng ilabas sa womb at operahan. Ginawa ni Dr. Joseph Bruner yung surgery habang nasa loob ng nanay yung baby. Sabi nung doktor, nung hinawakan daw nung baby yung kamay nya, pinaka emotional na moment daw yon ng buhay nya. May mas aastig pa ba sa picture na yan? Nakakakilabot. Kahit pa kadiri yung picture, sobrang astig. Kadiri lang dahil ang daming dugo, pero astig dahil may buhay yung bagay na yan. Astig talaga. Pero kadiri. Pero astig. Pero sobrang kadiri din. Pero put*ngina astig.
Pero kadiri talaga... | |
|
Total comments: 10 | |||||||||||
| |||||||||||